Pacquiao masisilat ni McGregor

NANINIWALA si dating world cruiserweight champion Evander Holyfield na may tsansa si two-time UFC champion Conor McGregor na talunin si eight-division titlist Manny Pacquiao kapag natuloy ang nilulutong boxing match ng mga ito ngayong 2021.

The post Pacquiao masisilat ni McGregor first appeared on Abante.

pacquiao masisilat ni mcgregor - Pacquiao masisilat ni McGregor
pac gregor - Pacquiao masisilat ni McGregor

NANINIWALA si dating world cruiserweight champion Evander Holyfield na may tsansa si two-time UFC champion Conor McGregor na talunin si eight-division titlist Manny Pacquiao kapag natuloy ang nilulutong boxing match ng mga ito ngayong 2021.

“Anybody who gets in the ring has some chance, I believe. You ain’t getting in the ring if you think you ain’t got a chance. And McGregor has some skills too,” komento ni Evander sa kinakasang laban nina Manny at Conor.

“He (McGregor) has that heart to fight, heart of a fighter. He can fight so ain’t nobody just going to beat him up in no kind of way. Just like the boxers, he has the mentality of a fighter.

Nitong nagdaang taon pa niluluto ang upakan nina McGregor at ng kasalukuyang WBA 147-pound king na si Pacquiao.

Nagpahiwatig na ang magkabilang kampo na nais nilang magkasukatan sa isang boxing match.

Payo ni Holyfield, 58, kay McGregor para talunin ang 42-anyos na si Pacquiao.

“He has to keep Pacquiao to the side and throw the punches straight, which is going to be difficult. You’re talking about fighting somebody who has been doing boxing their whole life.”

Tingin ni Evander, magagamit ni McGregor bilang bentahe ang mas mahahabang kamay nito kumpara sa ‘Pambansang Kamao’ ng Pilipinas.

“He’s got longer arms. So he has reach advantage,” punto pa ni Holyfield.

“McGregor’s strength is grabbing people and turning people and flipping people, where he had more things to think about.” (Ferdz Delos Santos)

The post Pacquiao masisilat ni McGregor first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *