Yulo World No.1 sa Floor Exercise

NAKISALO si Tokyo Olympics bound Carlos Edriel Yulo ng Pilipinas sa pagkapit bilang No.1 ranked gymnast sa Men’s Artistic Gymnastics (MAG) Floor Exercise sa inilabas na pinakabagong apparatus world ranking ng namumuno na International Gymnastics Federation (FIG).

The post Yulo World No.1 sa Floor Exercise first appeared on Abante.

yulo world no 1 sa floor exercise - Yulo World No.1 sa Floor Exercise
carlos yulo abante - Yulo World No.1 sa Floor Exercise

NAKISALO si Tokyo Olympics bound Carlos Edriel Yulo ng Pilipinas sa pagkapit bilang No.1 ranked gymnast sa Men’s Artistic Gymnastics (MAG) Floor Exercise sa inilabas na pinakabagong apparatus world ranking ng namumuno na International Gymnastics Federation (FIG).

Nakatipon ng kabuuang 70 puntos ang 2019 World Artistic Gymnastics Championships gold medalist na is Yulo para makisalo sa top spot kay Rayderley Zapata ng Spain.

Nakuha nito ang 20 puntos sa paglahok sa 43rd Turnier Der Meister FIG Individual apparatus World Cup sa Cottbus, Germany noong 2018.

May 30 puntos pa siya mula sa FIG World Cup 2019 sa Melbourne, Australia at 20 puntos naman sa FIG World Cup 2019 Doha, Qatar.

Ang 20-anyos na si Yulo ay katatapos lamang magwagi ng dalawang tanso sa ginanap na 74th All-Japan Gymnastics Championships.

Kasalukuyan naman itong nasa No.26 sa Vault sa natipon nitong kabuuang 10 puntos mula sa iskor nito na limang puntos sa paglahok sa Melbourne, Australia at Doha, Qatar noong 2019.

Nasa ika-31 puwesto ito sa Parallel Bars sa natipong walong puntos mula sa paglahok sa Cottbus, Gernany noong 2018. (Lito Oredo)

The post Yulo World No.1 sa Floor Exercise first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *