Yu, Gagalac may pa-raffle

HABANG wala pang sabong, nililibang naman ng ibang bigtime breeders ang kapwa nila sabungero sa pamamagitan ng pagsagawa ng mga raffle.

The post Yu, Gagalac may pa-raffle first appeared on Abante.

yu gagalac may pa raffle - Yu, Gagalac may pa-raffle
Usapang ruweda - Yu, Gagalac may pa-raffle

HABANG wala pang sabong, nililibang naman ng ibang bigtime breeders ang kapwa nila sabungero sa pamamagitan ng pagsagawa ng mga raffle.

Tulad nina two-time World Slasher Cup ruler Honey Yu at Jap Gagalac ng Livewire GameFarm.

Binibigyan nila ng pagkakataon ang mga backyard breeder at sabungero na makakuha ng kanilang mga manok na puwedeng ipang-lahi.

Ilang buwan nang nagpapa-raffle si Yu, marami ang natutuwa dahil may tsansa silang magkaroon ng bloodline ng manok na galing sa kanilang idolong breeder.

Kahapon naman ay nag-post si Gagalac ng survey para sa gagawin niyang raffle, pinutakte ng komento ang kanyang wall at lahat nagsabi ng pagsali.

Si Gagalac ang isa sa mga sinusundan ng mga sabungero at breeders sa social media, lalo na sa YouTube kung saan ay nagbibigay ito ng mga tip sa pag-aalaga ng manok panabong. (Elech Dawa)

The post Yu, Gagalac may pa-raffle first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *