Yee, Davao Cocolife pinitas ang 13th win

NAGPASIiKLAB muli si Mark Yee, bumuhos ng game-high 22 puntos kabilang na ang insurance charity basket sa endgame upang takasan ng Davao Occidental Tigers ang Basilan Steel, 76-71, sa pagpapatuloy ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Lakan Cup sa University of St. La Salle Gym sa Bacolod City.

yee davao cocolife pinitas ang 13th win - Yee, Davao Cocolife pinitas ang 13th win
mark yee 1 1 - Yee, Davao Cocolife pinitas ang 13th win

NAGPASIiKLAB muli si Mark Yee, bumuhos ng game-high 22 puntos kabilang na ang insurance charity basket sa endgame upang takasan ng Davao Occidental Tigers ang Basilan Steel, 76-71, sa pagpapatuloy ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Lakan Cup sa University of St. La Salle Gym sa Bacolod City.

May palabok pa si Yee na limang rebounds, dalawang assists at isang steal upang maiwasan ang upset ng kalaban at kubrahin ang 13-2 panalo-talo kartada para manatili sa top spot ng Southern Division.

Bukod kay Yee, na nakalikom na ng kabuuang 29 double-double performance sa liga, tumikada rin ng 13 puntos, apat na rebounds at isang steal si Emman Calo, habang 10 puntos na may kasamang dalawang rebounds at isang steal naman mula kay Chester Saldua para sa koponan ni Dumper Partylist Rep. Claudine Bautista na sinusuportahan din nina Cocolife Atty. President Jose Marti Loon, FVP Joseph Ronquillo, AVP Rowena Asnan at SVP Franze Joie Araque.

Umiskor si Jerald Bautista ng 18 puntos at sinundan ng 14 puntos mula kay Jay Callado na nagsanib-puwersa sa kanilang mainit na paghabol sa final quarter para sa losing cause ng Basilan Steels na dumausdos sa solo fifth spot sa kanilang 9-6 record Southern Division.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *