Yap target korona bago umeksit

RAMDAM ni James Yap, malapit na siya sa dulo ng kanyang basketball career.

The post Yap target korona bago umeksit first appeared on Abante.

yap target korona bago umeksit - Yap target korona bago umeksit
james yap 1 - Yap target korona bago umeksit

HULING HIRIT

RAMDAM ni James Yap, malapit na siya sa dulo ng kanyang basketball career.

Pero bago niya tuldukan ang kanyang karera na nagbigay sa kanya ng dalawang Most Valuable Player (MVP) award at pitong kampeonato mula nang kuning second pick overall ng Purefoods Tender Juicy Hotdogs taong 2004, gusto muna niyang magkampeon kasama ang Rain or Shine Elasto Painters.

“Siyempre ‘yung goal natin, sana naman bigyan tayo ng chance ni God,” pahayag ng 38-anyos na sharpshooter sa ‘The Link Podcast’ ni veteran sportswriter Rey Joble kamakailan.

“Siyempre gusto ko bago matapos ‘yung career ko, makapag-champion ako sa Rain or Shine,” dagdag pa nito.

Kababalik lamang ni James sa Pilipinas mula Italy dahil sumasabak na rin ito sa team workout bilang paghahanda sa nalalapit na pagbabalik aksiyon ng PBA, malamang sa kalagitnaan ng Oktubre.

Natigil ang Philippine Cup noong Marso 11 nang pumutok na sa Pilipinas ang nakamamatay na coronavirus.

Kung sakaling magkampeon bago magretiro, iaaalay ito ni Yap sa co-owner ng Rain or Shine na si Margaret ‘Mommy’ Yu, na nag-alaga sa kanya noong naglalaro pa siya sa Welcoat.

“I’m sure ‘yung kasiyahan na mabibigay ko kay Mommy Yu, talagang hindi mapapalitan. ‘Yun ang laging nasa isip ko,” sabi pa nito. (Aivan Episcope)

The post Yap target korona bago umeksit first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *