Yap galante sa Bubble

PASIKLAB ilang unang kostumer ng sari-sari store nina Rain or Shine Elasto Painters player Beau Belga at Ryan Araña si PBA superstar James Yap.

The post Yap galante sa Bubble first appeared on Abante.

yap galante sa bubble - Yap galante sa Bubble
abante james yap - Yap galante sa Bubble

PASIKLAB ilang unang kostumer ng sari-sari store nina Rain or Shine Elasto Painters player Beau Belga at Ryan Araña si PBA superstar James Yap.

Ilang araw nang makapasok sa Quest Hotel ng PBA Bubble sa Pampanga, nagtayo ng raket ang dalawang basketbolista sa kanilang hotel room.

Sa Instagram post ni Araña nitong Biyernes, ipinakita nito ang kwelang pagbili ni Yap ng liquid detergent soap sa kanilang tindahan.

Prenesyuhan ni Belga ang anim na pirasong sabon ng P350 na binayaran naman ni Yap ng P1,000 at humirit pa ng “keep the change”.

Nagulat naman ang ROS big man at bumanat pa sa kanyang teammate na “sana ganito lahat ng bumibili!” na agad namang binawi ni Yap. (JAToralba)

The post Yap galante sa Bubble first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *