Yap, Belga, Norwood hindi tatalon ng bakod

Fake news daw ang kumakalat na tsismis na nagbabalak nang magbenta ng prangkisa sa PBA ang Rain or Shine.

The post Yap, Belga, Norwood hindi tatalon ng bakod first appeared on Abante.

yap belga norwood hindi tatalon ng bakod - Yap, Belga, Norwood hindi tatalon ng bakod
Yap Belga Norwood - Yap, Belga, Norwood hindi tatalon ng bakod

Fake news daw ang kumakalat na tsismis na nagbabalak nang magbenta ng prangkisa sa PBA ang Rain or Shine.

May kabuntot pa ang balita na naghahanap na raw ng malilipatang team ang tatlong veteran ng team na sina James Yap, Beau Belga at Gabe Norwood.

“Nabalitaan ko na ‘yan,” ani commissioner Willie Marcial nang mag-guest sa final webcast ngayong taon ng PSA Forum nitong Martes.

Mismong isa sa may-ari, si Raymond Yu, ang nagsabi raw kay Kume na walang katotohanan ang balita.

Co-owner ng Elasto Painters sina Yu at Terry Que.

“Kausap ko si boss Raymond, personal na tumawag. Sabi niya, ‘Comm, hindi kami aalis ng PBA, fake news ‘yan,’” dagdag ni Marcial sa forum na hatid ng San Miguel Corp., Go For Gold, MILO, Amelie Hotel Manila, Braska Restaurant at PAGCOR.

Maagang pumukpok sa katatapos na Pampanga bubble ang Painters, No. 8 pagkatapos ng 11-game eliminations bagama’t nasipa agad sa quarterfinals kontra top seed at eventual champion Ginebra.

Kaya magtatagal pa sa PBA ang Rain or Shine na pumasok sa liga bilang Welcoat nang bilhin ang prangkisa ng Shell noong 2006.

Makalipas ang dalawang seasons, dinala ng team ang Rain or Shine Elasto Painters.

Mula nang ma-draft bilang No. 1 pick noong 2008, hindi umalis si Norwood sa RoS.

Dumating si Belga sa Painters noong 2011, limang seasons ang nakalipas ay si Yap sa blockbuster trade kapalit ni Paul Lee mula Star (Magnolia) Hotshots. (VE)

The post Yap, Belga, Norwood hindi tatalon ng bakod first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *