Yap ayaw sa doble-plaka

ISA si Rain or Shine superstar James Carlos Yap, Sr. sa mabibilang sa daliri na motorcycle rider sa Philippine Basketball Association scene.

The post Yap ayaw sa doble-plaka appeared first on Abante News Online.

yap ayaw sa doble plaka - Yap ayaw sa doble-plaka
Abante 2019 James Yap 1 - Yap ayaw sa doble-plaka

ISA si Rain or Shine superstar James Carlos Yap, Sr. sa mabibilang sa daliri na motorcycle rider sa Philippine Basketball Association scene.

Kasama ni James sa pagharurot sa motor ang iba pang PBA personality tulad ni Phoenix Pulse forward JC Intal, mga dating kasangga na si Jose Enrico Villanueva, Paul Artadi, Mick Pennisi at ngayo’y Phoenix assistant coach Michael ‘Topex’ Robinson.

“Safe naman kasi hindi naman kami naghahabulan, kumbaga you guys protect each other, kumbaga kailangan talaga disiplina sa daan,” litanya ni Yap.

Nang maitanong ng Abante kung pabor siya sa batas na Motorcycle Crime Prevention Act of 2017 na naglalayong maglagay ng pinalaking plaka sa harap at likod ng motor, sinaad ni James na mayroong mga bansa na nagpatupad na nito.

“Well wala naman ta­yong magagawa kung ‘yun talaga ang gusto nila pero may nakita akong pinost sa grupo namin na hindi ko alam kung saan, kasi ang difference kasi malaki yung plaka na ilalagay sa harap, pero yung sinend samin sa group I think sa Singapore ata yun same bike sa’min, maliit lang siya sa harap, pero hindi naman siya nakakasira sa porma,” hirit ng basketbo­lista.

Kung ito raw umano ang susundin ay pabor si Yap sa probisyon. Pero kung mas malaki ito ay tila sobra na ito para sa PBA player. (Ray Mark Patriarca)

The post Yap ayaw sa doble-plaka appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *