Wrigth, Abueva reresbak

Smart Clark Giga City – Inagaw ng sprained ankle si Matthew Wright sa laro, at isinuko ng Phoenix Super LPG ang 95-92 loss sa TNT sa opener ng PBA Philippine Cup semifinals noong Miyerkoles.

The post Wrigth, Abueva reresbak first appeared on Abante.

wrigth abueva reresbak - Wrigth, Abueva reresbak
abante calvin wright - Wrigth, Abueva reresbak

Smart Clark Giga City – Inagaw ng sprained ankle si Matthew Wright sa laro, at isinuko ng Phoenix Super LPG ang 95-92 loss sa TNT sa opener ng PBA Philippine Cup semifinals noong Miyerkoles.

Wala pang 7 minutes na nauubos sa laro, umangat sa basket si Wright pero pagbagsak ay natapakan ang paa ni TNT big man Troy Rosario.

Natapilok ang Fil-Canadian sniper, iika-ikang naupo sa bench at hindi na binalik ni coach Topex Robinson.

Nagkasya lang si Wright sa 2 points, talsik lang ng average niyang 20 points sa pagtatapos ng eliminations.

Isa pang nagbigay ng break sa Tropang Giga ang maagang foul trouble ni Calvin Abueva.

May apat na siya sa break at limitado ang minuto bago napituhan ng panlima sa third. Bahagyang nawala ang bangis ng The Beast pero tumapos pa rin ng 13 points, 9 rebounds.

Hindi rin napakinabangan ni coach Topex Robinson ang opensa ni Justin Chua na bagama’t nagbaba ng 13 rebounds ay 0 of 10 sa field.

Kung makokontrol ni Abueva ang kanyang foul at inaasahang makakalaro na muli si Wright, mas malaki ang problema ng Tropa sa Game 2 mamaya sa Smart 5G-powered AUF gym. (VE)

The post Wrigth, Abueva reresbak first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *