Wright, Phoenix niluray ang Dyip

PINASIKIP ng Phoenix Super LPG ang daan tungo sa susunod na labanan sa quarterfinals nang biguin ang Terrefirma Dyip, 116-94, sa ginaganap na eliminasyon ng 2020 Honda PBA Philippine Cup bubble sa AUG Sports Arena and Cultural Complex sa Angeles, Pampanga.

The post Wright, Phoenix niluray ang Dyip first appeared on Abante.

wright phoenix niluray ang dyip - Wright, Phoenix niluray ang Dyip
abnate wright - Wright, Phoenix niluray ang Dyip

Mga laro ngayon: (AUF Gym/Clark)
10:00am – Rain or Shine vs NLEX
1:00pm – Blackwater vs Meralco
4:00pm – Magnolia vs TNT Tropa
6:45pm – NorthPort vs Ginebra

PINASIKIP ng Phoenix Super LPG ang daan tungo sa susunod na labanan sa quarterfinals nang biguin ang Terrefirma Dyip, 116-94, sa ginaganap na eliminasyon ng 2020 Honda PBA Philippine Cup bubble sa AUG Sports Arena and Cultural Complex sa Angeles, Pampanga.

Anim na manlalaro ang sinandigan ng Fuel Masters sa pamumuno ni Matthew Wright upang ibuhos ang 23-9 atake sa loob ng walong minuto sa ikatlong yugto para tuluyang ilayo ang naging mahigit sa apat na puntos lamang na kalamangan sa first half tungo sa kabuuang ikalimang panalo sa loob ng walong laro.

Nagtala si Wright ng 33 puntos, tampok ang 6-of-12 sa tres, at 4 rebounds, 6 assists at 5 steals para sa Fuel Masters na nakisalo sa unang apat na puwesto.

Nag-ambag naman si RJ Jazul ng 16 puntos, habang may tig-14 puntos sina Jason Perkins at Brian Heruela.

May 12 puntos si Calvin Abueva at 10 kay Justin Chua.

Isang tres ni Wright sa 4:56 ng ikaapat na yugto ang nagtulak sa Phoenix Super LPG sa pinakamataas nitong abante sa 29 puntos, 112-83, at tuluyang nag-ahon sa Fuel Masters makaahon mula sa huling nalasap na kabiguan.

Nalasap naman ng Dyip ang ikaanim na sunod talo.

Nagawang agawin ng Fuel Masters ang abante sa natitirang 1:26 minuto ng ikalawang yugto matapos na huling magtabla sa 53-all matapos ibuhos ni Wright ang anim na puntos mula sa magkasunod na tres upang kapitan ang apat na puntos na abante sa pagtatapos ng first half sa 59-55.

Una munang itinala ng Dyip ang mataas na 11 puntos na abante sa 4:48 minuto ng unang yugto mula sa isang tres si CJ Perez, 20-9, bago naging mahigpitan sa sumunod na quarter matapos maghabol ang Phoenix. (Lito Oredo)

The post Wright, Phoenix niluray ang Dyip first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *