Wright paiinitin ang Fuel Masters

Clark Smart Giga City – Siniguro ni Matthew Wright na hindi mapapahiya si Topex Robinson sa debut bilang interim coach ng Phoenix Super LPG noong Lunes.

The post Wright paiinitin ang Fuel Masters first appeared on Abante.

wright paiinitin ang fuel masters - Wright paiinitin ang Fuel Masters
Matthew Wright - Wright paiinitin ang Fuel Masters

Mga Laro Ngayon: (AUF Gym)

4:00pm – NorthPort vs. Phoenix

6:45pm – Ginebra vs. Blackwater

Clark Smart Giga City – Siniguro ni Matthew Wright na hindi mapapahiya si Topex Robinson sa debut bilang interim coach ng Phoenix Super LPG noong Lunes.

Tinotoo ng Fil-Canadian gunner ang pangako, nagliyab ng 36 points para gasolinahan ang Fuel Masters sa 116-98 pagpapatumba sa Meralco noong Lunes.

Umaasa si Robinson na hindi pa ubos ang bala ni Wright para masundan ang panalo laban sa NorthPort sa first game mamaya sa AUF powered by Smart 5G gym sa Angeles, Pampanga.

“Matthew Wright will win us games just like what happened now, and Matthew Wright knows that we’re gonna lose games with him also,” wika ni Robinson pagkatapos.

Mula sa field ay 11 of 23 overall si Wright, 4 for 9 sa 3s, may 4 rebounds at 6 assists kontra isang turnover lang sa loob ng halos 38 minutes. Kinamada niya ang 10 sa 17-0 run ng Phoenix mula second quarter patawid ng third para dumistansiya 61-41.

Maangas din ang kontribusyon nina Jason Perkins at Justin Chua na may tig-17 points, may 14 pa si RR Garcia.

Gigil bumawi ang NorthPort na lumasap ng 96-89 loss sa Blackwater noon ding Lunes sa kabila ng 23 points ni Christian Standhardinger at 22 ni Sean Anthony. (VE)

The post Wright paiinitin ang Fuel Masters first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *