World Cup dream ni woodpusher Gomez nagunaw

NAGUNAW ang asam ni Grandmaster John Paul Gomez na makatulak ng piyesa sa World Cup nang makipaghatian lang ng puntos kay untitled Mongolian Khuyagtsogt Itgelt sa seven rounds ng Eastern Asia Chess Championships FIDE Zone 3.3 Open sa Mongolia, Sabado nang gabi.

The post World Cup dream ni woodpusher Gomez nagunaw appeared first on Abante News Online.

world cup dream ni woodpusher gomez nagunaw - World Cup dream ni woodpusher Gomez nagunaw
chess 8 - World Cup dream ni woodpusher Gomez nagunaw

NAGUNAW ang asam ni Grandmaster John Paul Gomez na makatulak ng piyesa sa World Cup nang makipaghatian lang ng puntos kay untitled Mongolian Khuyagtsogt Itgelt sa seven rounds ng Eastern Asia Chess Championships FIDE Zone 3.3 Open sa Mongolia, Sabado nang gabi.

Kasalo sa top spot matapos ang five rounds, nawala ang pagkakakapit ng 32-year-old Pinoy woodpusher sa tuktok nang matalo kay fourth seed Mongolian International Master Sumiya Bilguun sa sixth round noong Biyernes at tabla kay Itgelt.
Papasok sa huling dalawang rounds, sumiksik si many-time Olympiad veteran Gomez sa seventh spot kasama sina Itgelt, Bilguun at FIDE Master Ganzorig Amartuuvshin na may tig-4.5 points.

Kinalos ni Vietnamese IM Nguyen Van Huy si Bilguun upang hawakan ang solo lead kapit ang anim na puntos sa nine-round tournament na pinaglalabanan ang dalawang spots para sa Chess World Cup 2019 sa September 9- October 2 sa Khanty-Mansiysk, Russia.

Sunond na makakalaban ni Gomez si Amartuuvshin sa eighth at penultimate round. (Elech Dawa)

The post World Cup dream ni woodpusher Gomez nagunaw appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *