Work Bell tigasin sa Juvenile Colts

IPINAKITA ni Work Bell ang kanyang husay matapos ikahon ang 2020 Juvenile Colts Stakes Race nitong Linggo sa Metro Turf sa Malvar-Tanauan City, Batangas.

The post Work Bell tigasin sa Juvenile Colts first appeared on Abante.

work bell tigasin sa juvenile colts - Work Bell tigasin sa Juvenile Colts
Work Bell - Work Bell tigasin sa Juvenile Colts

IPINAKITA ni Work Bell ang kanyang husay matapos ikahon ang 2020 Juvenile Colts Stakes Race nitong Linggo sa Metro Turf sa Malvar-Tanauan City, Batangas.

Maganda ang diskarte ng hineteng si former Philippine Sportswriters Association (PSA) Jockey-of-the-Year awardee Jonathan Hernandez ayon sa mga nakasaksi ng laban.

Kalmadong lumabas ng aparato si Work Bell na pag-aari ng Bell Racing Stable ni Elmer De Leon.

Hinintay muna ni star jockey Hernandez na lumuwag ang daanan bago ipinuwesto si Work Bell sa tersero habang nagbabanatan sa unahan sina Stayinthemoment at Tiger Boy.

Pagsapit ng far turn ay sumali na sa unahan si Work Bell at bakbakan ang nasilayan ng mga karerista.

Bandang rekta na kumalas si Work Bell para iwanan ang mga katunggali.

Nagwagi si Work Bell na may dalawang kabayo ang agwat sa nasegundong Tiger Boy, pangatlo si Ambisioso habang pang-apat si Stayinthemoment.

Nahamig ng may-ari ni Work Bell ang halagang P900,000 premyo, napunta sa owner ni Tiger Boy ang P337,500 habang P187,500 at P75,000 ang kinubra ng mga connection nina Ambisioso at Stayinthemoment ayon sa pagkakasunod. (Elech Dawa)

The post Work Bell tigasin sa Juvenile Colts first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *