Wong, Nambatac humagod sa ROS

ISINALBANG muli ni Rey Nambatac ang Rain or Shine sa bingit ng kamalasan matapos isalpak ang krusyal na dalawang freethrow upang itakas ang come-from-behind 68-66 panalo kontra NorthPort at makisalo sa liderato ng 45th PBA 2020 Philippine Cup elims sa AUF Sports Arena and Cultural Center sa Pampanga Linggo ng gabi.

The post Wong, Nambatac humagod sa ROS first appeared on Abante.

wong nambatac humagod sa ros - Wong, Nambatac humagod sa ROS
nambatac - Wong, Nambatac humagod sa ROS

Mga laro ngayon: AUF Sports Arena and Cultural Center:

4:00 pm – TNT vs Phoenix Super LPG

6:45 pm – Terrafirma vs San Miguel Beer

ISINALBANG muli ni Rey Nambatac ang Rain or Shine sa bingit ng kamalasan matapos isalpak ang krusyal na dalawang freethrow upang itakas ang come-from-behind 68-66 panalo kontra NorthPort at makisalo sa liderato ng 45th PBA 2020 Philippine Cup elims sa AUF Sports Arena and Cultural Center sa Pampanga Linggo ng gabi.

Nakahugot ng foul si Nambatac sa huling 1.6 segundo sa pag-atake sa depensa ni Paolo Taha pabasket para kumpletuhin ang 13-point deficit at kunin ang ikatlong sunod na panalo ng Elasto Painters sa all-Pinoy conference.

Nanguna para sa mga pintura ang rookie na si Adrian Wong na may 15 points kasama ang tig-2 rebounds at 2 assist bukod pa sa 1 steal, habang may 11 markers si Sydney Onwurune at 10 kay Nambatac sa pagsalya sa Batang Pier sa ilalim sa 0-3.

Isang dunk ni Gabe Norwood ang nagbalik sa Elasto Painters sa abante sa 50-48 sa fourth period na siyang nagpasimula din sa 12-0 bomba tungo sa pagtatala ng 62-50 abante. Nagha

Ang dalawang puntos ng NorthPort ang pumantay sa PBA all-time record sa pinakakaunting ginawa ng isang sa quarter.

Itinala ng Barangay ang fewest points in a quarter sa 3rd period sa nalasap nitong 83-54 kabiguan kontra Coke noong Abril 26, 2003 (All Filipino Cup) at ng Mobiline sa 1st quarter sa 71-69 kabiguan kotnra Sta. Lucia noong Pebrero 28, 2001 na nangyari din sa All-Fil Conference.

Nasayang ang 13 pts. at 12 rebs. Ni Sean Anthony at 13 markers at 11 boards ni Christian Standhardinger para sa Batang Pier. (Lito Oredo)

The post Wong, Nambatac humagod sa ROS first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *