Women’s baseball, out sa SEA Games

ISANG posibleng gintong medalya ang agad na nawala para sa nagha­hangad maging pangkalahatang kampeon na Pilipinas sa ikaapat na pagho-host nito ng ika-30 edisyon ng Southeast Asian Games.

The post Women’s baseball, out sa SEA Games appeared first on Abante News Online.

womens baseball out sa sea games - Women’s baseball, out sa SEA Games
Abante 2019 Baseball - Women’s baseball, out sa SEA Games

ISANG posibleng gintong medalya ang agad na nawala para sa nagha­hangad maging pangkalahatang kampeon na Pilipinas sa ikaapat na pagho-host nito ng ika-30 edisyon ng Southeast Asian Games.

Hindi pa man naisasagawa ay “strike out” agad ang nais maisagawa ng Philippine Amateur Baseball Association (PABA) na women’s baseball dahil sa kawalan ng mga kasali.

Sinabi ni Philippine SEA Games Organizing Committee (PHISGOC) executive director Tom Carrasco na may tsansa pang maisagawa ang women’s baseball kung makakahabol ang kailangan na dalawa pang ibang bansa na makakabuo ng koponan mula sa 11 kasaling bansa para magsumite ng kanilang lineup.

“Only two had submitted entries in wo­men’s baseball,” sabi ni Carrasco. “Aside from us, Indonesia was the only other country that submitted an entry (by number). Two is far from four so women’s baseball is out. But men’s baseball is in,” sabi ni Carrasco.

Ipinaliwanag ni Carrasco na para mai­sagawa ang isang sports sa SEA Games ay kailangan nito ng minimum na kasali na apat na bansa. Lahat ng mga sports o event na mas mababa sa apat ang kasaling bansa ay tiyak na hindi mapapayagan. (Lito Oredo)

The post Women’s baseball, out sa SEA Games appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *