Wizards tameme kina Durant, Irving

NAKAPAGLARO na rin sina Kevin Durant at Kyrie Irving matapos ang matagal na pahinga sa NBA.

The post Wizards tameme kina Durant, Irving first appeared on Abante.

wizards tameme kina durant irving - Wizards tameme kina Durant, Irving
abante nets 1 - Wizards tameme kina Durant, Irving

NAKAPAGLARO na rin sina Kevin Durant at Kyrie Irving matapos ang matagal na pahinga sa NBA.

Nagpasikat agad sina Durant at Irving sa unang laro ng Brooklyn Nets sa preseason, nagsanib puwersa sila upang kalusin ang Washington Wizards, 119-114, kahapon.

Umabot sa 316 days na hindi nakalaro si Irving, nagtala ito ng 18 puntos para pamunuan ang opensa ng nets habang buong 2019-2020 NBA season hindi nasilayan si Durant na tumipa naman ng 15 markers.

Maagang ipinaramdam ng Nets ang kanilang lakas matapos makalamang ng 18 puntos, 38-20, sa first canto.

Matikas pa rin na naglaro ang Nets sa second kaya abante pa rin sila ng 18, 68-50, sa halftime.

Medyo uminit ang opensa ng Wizards sa second half pero naging matatag ang Brooklyn para makuha ang panalo.

Kumana si sophomore Rui Hachimura ng 18 markers para sa Washington. (Elech Dawa)

The post Wizards tameme kina Durant, Irving first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *