Wilson, Siruma angasan sa San Juan vs Bulacan

Wilson, Siruma angasan sa San Juan vs Bulacan

Tampok ang pasiklaban nina ex-pro John Wilson, Stephen Siruma at Jovit dela Cruz sa pagtaya ng defending champion San Juan Knights Go For Gold at Bulacan Kuyas ng mga winning streak sa alas-8:30 gabi nang salpukan.

wilson siruma angasan sa san juan vs bulacan - Wilson, Siruma angasan sa San Juan vs Bulacan
san juan knights - Wilson, Siruma angasan sa San Juan vs Bulacan

Tampok ang pasiklaban nina ex-pro John Wilson, Stephen Siruma at Jovit dela Cruz sa pagtaya ng defending champion San Juan Knights Go For Gold at Bulacan Kuyas ng mga winning streak sa alas-8:30 gabi nang salpukan.

Kaugnay ito sa triplebill mamaya ng 3rd MPBL Lakan Cup elims 2019 sa balwarte ng host San Juan City sa The Arena kung saan toka sa alas-6:30 nang gabi ang nasa tersero sa Group A Makati (10-3) at ika-10 sa Group Binan Laguna (6-8), at sa alas-kuwatro nang hapon ang Group B 4th-running Batangas (8-4) at nasa Group A ninth spot Quezon City Capitals (7-7).

Naghasik ng kamandag si Wilson sa pamamagitan ng game-high 44 points nang tagpasin ng Group A leader at may 3-game winning run Knights (13-1) ang Pampanga Lanterns sa overtime limang araw na ang nakararaan, 102-97.
Bumuslo naman ng tig-15 markers sina Siruma at Dela Cruz sa pagsalya ng may apat na ragasa at nasa ika-pito sa Group A na Kuyas (7-7) sa Muntinlupa ­Cagers nitong Setyembre 16, 77-62.

Kaya handa sina coaches Randy Alcantara ng San Juan at Britt Reroma ng Bulacan sa nasisilip nilang dikdikan ng kanilang mga bataan. (Aivan Denzel ­Episcope)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *