Williams ginulat mga kasabayan, kaibigan

Gulat ang mga kasabayan at kaibigan ni Kelly Williams nang bigla niyang basagin ang balita na magre-retiro na.

The post Williams ginulat mga kasabayan, kaibigan first appeared on Abante.

williams ginulat mga kasabayan kaibigan - Williams ginulat mga kasabayan, kaibigan
tonite kelly w - Williams ginulat mga kasabayan, kaibigan

Gulat ang mga kasabayan at kaibigan ni Kelly Williams nang bigla niyang basagin ang balita na magre-retiro na.

Sa Instagram at Twitter lang inihayag ni Machine Gun Kelly ang desisyon nitong Lunes.

“Still in shock, gonna miss seeing @KelWilliams21 on the court,” reaksiyon nitong Miyerkoles ni Jared Dillinger, dating teammate ni Williams sa TNT at national team.

Top pick overall ng Sta. Lucia Realty si Williams noong 2006, sa sumunod na taon ay kampeon na sa Philippine Cup ang Realtors, MVP rin ang high-flying Fil-Am. Bago nag-disband ang SLR noong 2010, nai-trade siya sa KaTropa at nakalimang kampeonato pa.

Halo ang emosyon ng beteranong si Mark Caguioa.

“Great career. I’m sad and happy another great player is retiring. I’m glad I got to play with you on the national team,” anang Ginebra guard.

“It was an honor competing against you on the court in those dunk contests, paabot naman ni Rain or Shine forward Gabe Norwood.

Two-time Slam Dunk champion si Williams, 38, noong 2008 at 2011. (Vladi Eduarte)

The post Williams ginulat mga kasabayan, kaibigan first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *