Wiliamson inararo Bucks

DINOMINA ni Zion Williamson ang Milwaukee sa preseason finale ng Pelicans.

The post Wiliamson inararo Bucks first appeared on Abante.

wiliamson inararo bucks - Wiliamson inararo Bucks
pel - Wiliamson inararo Bucks

DINOMINA ni Zion Williamson ang Milwaukee sa preseason finale ng Pelicans.

Iginarahe ng Bucks si Giannis Antetokounmpo, sinamantala ni Williamson ang pagkakataon para humarabas ng 31 points, 9 rebounds upang ihatid ang New Orleans sa 127-113 panalo.

May 19 points at 8 assists si Lonzo Ball, nagdagdag ng 18 markers off the bench si JJ Redick sa New Orleans. Kumalawit ng 9 rebounds ang bagong center na si Steven Adams.

Nananakit ang likod ni Antetokounmpo kaya ipinahinga. Namuno sa Bucks ang 29 points ni Khris Middleton, umayuda ng 15 si Jrue Holiday at 14 points, 8 rebounds si Donte DiVincenzo.

Mula sa floor ay 12 for 22 si Williamson, 11 beses bumiyahe sa stripe.

Sa inilaro, safe sabihin na ready sa opening night ang dating No. 1 pick. Dadayo ng Tampa Bay ang Pelicans para harapin ang Toronto Raptors sa season opener sa Dec. 22.

Inabot ng knee injury si Williamson sa preseason noong nakaraang taon, February na nag-debut. (Vladi Eduarte)

The post Wiliamson inararo Bucks first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *