Westbrook sasaklolo

POSIBLENG bumalik na sa aksiyon si Houston Rockets guard at former Most Valuable Player (MVP) Russell Westbrook.

The post Westbrook sasaklolo first appeared on Abante.

westbrook sasaklolo - Westbrook sasaklolo
westbrokke - Westbrook sasaklolo

POSIBLENG bumalik na sa aksiyon si Houston Rockets guard at former Most Valuable Player (MVP) Russell Westbrook.

Nitong Biyernes ay lumahok na ito sa 5-on-5 scrimmage ng Rockets at mukhang magaling na mula sa natamong quad injury.

Hindi pa naglalaro si Westbrook sa playoffs ng 2019-2020 NBA season, tabla ang serye ng Rockets at Oklahoma City (OKC) Thunder, 2-2.

Sasambulat ang Game 5 ng kanilang best-of-seven first round series Linggo ng umaga sa Pilipinas.

“He’ll go through practice. If things are normal, I’m sure he’ll be good to go. D’Antoni said no decisions yet on a playing time restriction,” sabi ni Rockets coach Mike D’Antoni mula sa tweet ni Jonathan Feigen.

“Just take it day-by-day. That’s all I can do. I’m excited to play, but I’m more excited we’re playing for a cause,” sey naman ni Westbrook.

Nagwagi ang Rockets sa unang dalawang upakan pero bumalikwas ang Thunder at kinuha ang Game 3 at Game 4 para itabla ang serye. (Ferdz Delos Santos)

The post Westbrook sasaklolo first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *