Westbrook sakripisyo sa Houston Rockets

KUNG kinakailangan, handang isakripisyo ni Russell Westbrook ang paghawak sa bola para manalo ang Houston Rockets.

The post Westbrook sakripisyo sa Houston Rockets appeared first on Abante News Online.

westbrook sakripisyo sa houston rockets - Westbrook sakripisyo sa Houston Rockets
ABANTE westbrook - Westbrook sakripisyo sa Houston Rockets

KUNG kinakailangan, handang isakripisyo ni Russell Westbrook ang paghawak sa bola para manalo ang Houston Rockets.

Hindi mahalagang­ masapawan siya ni James Harden, basta para sa ikagaganda ng laro ng team.

“To be able to win something you have to be able to sacrifice some parts of your game and we both understand that,” pahayag ni Westbrook nang pormal na ipakilala ng Rockets nitong Biyernes. “We both understand that we have one common goal and that’s to win championships. We understand what we have to do.”

Nakuha ng Houston si Westbrook mula Oklahoma City kapalit ni Chris Paul at ilang draft picks.

Ginugol ni 2017 MVP Westbrook ang first 11 seasons niya sa OKC, sa unang tatlong taon ay naging magkakampi pa sila ni Harden kasama si Kevin Durant.

Magkaibigan sina Westbrook at Harden, magkalaro na noong edad 10 pa lang.
Ipinagkibit-balikat lang ni Westbrook ang sinasabi ng ilan na hindi magki-click ang tambalan nila ni Harden.

Nag-average ng triple-double si Westbrook sa nakalipas na tatlong seasons, assists leader siya sa huling dalawang taon, nag-average ang 30-year-old ng 23 points, 8.4 assists at 7 rebounds sa buong career. (VE)

The post Westbrook sakripisyo sa Houston Rockets appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *