Wesley kampeon, tinibag si Magnus

KAHIT lumipat ng federation si super grandmaster Wesley So ay proud pa rin ang ibang Pinoy chess fans sa pagkakapanalo nito sa Grand Finals ng Skilling Open.

The post Wesley kampeon, tinibag si Magnus first appeared on Abante.

wesley kampeon tinibag si magnus - Wesley kampeon, tinibag si Magnus
abante wesley so - Wesley kampeon, tinibag si Magnus

KAHIT lumipat ng federation si super grandmaster Wesley So ay proud pa rin ang ibang Pinoy chess fans sa pagkakapanalo nito sa Grand Finals ng Skilling Open.

Sapagkat ang kinalos ni 27-year-old So ay si reigning world champion GM Magnus Carlsen ng Norway.

Matapos ang dalawang araw na draw game, nilampaso ni Imus, Cavite native at former Philippine Chess team star So si Carlsen sa blitz tiebreaks, 1.5-0.5 para angkinin ang unang korona sa Champions Chess Tour.

“I’m very surprised, because my goal in this match is to make it interesting, to try to put up a good fight, at least,” saad ni So.

“Because Magnus is really the better player and he’s the best player in the world right now, so just to compete with him is a very good feeling, and he’s better in all parts of the game than me.”

May pitong taon na ang nakalipas sapol nang lumipat sa US si So at 2014 nang magsimulang maglaro para sa America. (Elech Dawa)

The post Wesley kampeon, tinibag si Magnus first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *