Wesley inspirasyonng Philippine chess

Hindi man naging maganda ang resulta ng Philippine Chess team sa Online Chess Olympiad 2020 noong Agosto ay ipinakita nila ang kanilang kagitingan laban sa mga tigasing woodpusher sa buong mundo.

The post Wesley inspirasyonng Philippine chess first appeared on Abante.

wesley inspirasyonng philippine chess - Wesley inspirasyonng Philippine chess
abante so - Wesley inspirasyonng Philippine chess

Hindi man naging maganda ang resulta ng Philippine Chess team sa Online Chess Olympiad 2020 noong Agosto ay ipinakita nila ang kanilang kagitingan laban sa mga tigasing woodpusher sa buong mundo.

Hanggang sa dulo ay lumaban ang Pinoy chessers sa pangunguna ni New York-based Grandmaster Mark Paragua pero nabigo silang sumampa sa Division 1 matapos matalo sa Bulgaria, 1.5-4.5 sa seventh round.

Malaki ang tsansa ng Pilipinas na makausad sa susunod na phase matapos nilang manalo sa Bangladesh, 4.5-1.5, at Turkmenistan, 4.5-1.5 sa Pool A ng Division 2 pero sadyang malulupit maglaro ang mga Bulgarian.

Nakasama ni Paragua sa pagbandera ng Pilipinas sina GM Rogelio Antonio Jr., Rogelio Barcenilla, Darwin Laylo, WGM Janelle Mae Frayna, Jan Jodilyn Fronda, Catherine Secopito at Bernadette Galas.

Miyembro din ng team sina IM Daniel Quizon at Michael Concio.

Inangklahan naman ni champion for the differently-abled Sander Severino ang Pilipinas sa FIDE Online Olympiad for People with Disabilities noong November 20 hanggang December 3.

Dahil sa pandemya ay puro mga online tournaments ang naisagawa at malaking tagumpay na natamo ay si Paragua nang magkampeon ng anim na beses sa major online tournaments.

Nagpalit man ng federation ay maituturing din na tagumpay ang Philippine Chess dahil sa pagkakapanalo ni super grandmaster Wesley So sa Skilling Open ng Champions Chess Tour pagpasok ng Disyembre.

Sapagkat ang itinumba ni 27-year-old So ay ang reigning World Champion na si GM Magnus Carlsen ng Norway.

Dala ang bandera ng Amerika kinalos ni Imus, Cavite native So si Carlsen sa finals kaya lumiwanag ang kanyang pangarap na posibleng talunin nito muli ang tigasing woodpusher sakaling magharap sila para sa World Championship.

May pitong taon na ang nakalipas sapol nang lumipat sa US si So at 2014 nang magsimulang maglaro para sa America. (Elech Dawa)

The post Wesley inspirasyonng Philippine chess first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *