Wesley draw kay Caruana sa Round 5

NAKIPAGHATIAN ng puntos si super Grandmaster Wesley So kay GM Fabiano Caruana ng US upang manatiling nasa second spot matapos ang round five ng Grand Chess Tour 2019 sa Zagreb, Croatia kahapon.

The post Wesley draw kay Caruana sa Round 5 appeared first on Abante News Online.

wesley draw kay caruana sa round 5 - Wesley draw kay Caruana sa Round 5
Abante Tonite Miciano Quizon uno dos sa Asian Youth Chess - Wesley draw kay Caruana sa Round 5

NAKIPAGHATIAN ng puntos si super Grandmaster Wesley So kay GM Fabiano Caruana ng US upang manatiling nasa second spot matapos ang round five ng Grand Chess Tour 2019 sa Zagreb, Croatia kahapon.

Umabot sa 41 moves ng Giuoco Piano bago nagkasundo sina 25-year-old So at Caruana upang ilista ng Pinoy woodpusher ang tatlong puntos at saluhan sa second si reigning world champion GM Magnus Carlsen ng Norway.

Solo sa unahan si Russian GM Ian Nepomniachtchi ta­ngan ang four points, tabla rin ang laro niya kay GM Hikaru nakamura ng USA.

Makakalaban ni So sa sixth round si GM Shakhriyar Mamed­yarov ng Azerbaijan, ang nasabing event ay may 12-player single round robin format.

Makakatapat naman ni Carlsen si Nakamura habang magkakaldagan sina Nepomniachtchi at GM Ding Liren ng China.

Kailangn ni Imus, Cavite native So na manalo upang makalapit nang bahagya sa unahan at lumakas ang tsansa na masilo ang korona. (Elech Dawa)

The post Wesley draw kay Caruana sa Round 5 appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *