Webb: Player ngayon palakihan ng wankata

MALAKI ang kaibahan sa pangangatawan ng mga basketbolista ngayon kumpara noon, ayon kay former PBA star Freddie Webb.

The post Webb: Player ngayon palakihan ng wankata first appeared on Abante.

webb player ngayon palakihan ng wankata - Webb: Player ngayon palakihan ng wankata
abante jason webb - Webb: Player ngayon palakihan ng wankata

MALAKI ang kaibahan sa pangangatawan ng mga basketbolista ngayon kumpara noon, ayon kay former PBA star Freddie Webb.

“Nung araw ang papayat ng mga player. Ngayon wala nang payat. Lahat palakihan ng katawan because they are now allowed to go to the gym.” kwento ni Webb sa pag-guest nito sa ‘Politiko Live’ nitong Miyerkoles.

Ibinahagi rin ng dating YCO Painters player na mas mabilis siya sa anak na si former cager at ngayon ay Magnolia Hotshots assistant coach Jason Webb.

“I think I’m faster, mas mabilis ako,” pag-amin ng 78-year-old.

Ngunit diin ng dating senador at manlalaro ng Philippine men’s basketball team na nagwagi ng gold medal sa 1967 Asian Basketball Confederation (FIBA Asia ngayon), “Jason has a better shot,”

Aniya, hindi maikukumpara ang estilo ng basketball noon at ngayon dahil “walang nagturo sa akin mag-shoot.”

“Hindi pareho ngayon. Nobody can question that,” paliwanag ni Webb na naglaro noon para sa YCO Painters.

“Kapag ikaw may nagturo sa iyo, you have been so blessed. Kami, wala.” (JAToralba)

The post Webb: Player ngayon palakihan ng wankata first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *