Warriors pipigain si Cauley-Stein

Warriors pipigain si Cauley-Stein

NEW-LOOK ang Golden State Warriors sa pagbubukas ng 2019-2020 NBA season. Wala na sa bench ang mga pamil­yar na mukha nina Kevin Durant, Andre Iguodala at Shaun Livingston.

warriors pipigain si cauley stein - Warriors pipigain si Cauley-Stein
warriors 11 - Warriors pipigain si Cauley-Stein

NEW-LOOK ang Golden State Warriors sa pagbubukas ng 2019-2020 NBA season. Wala na sa bench ang mga pamil­yar na mukha nina Kevin Durant, Andre Iguodala at Shaun Livingston.

Isa sa mga bagong salta si center Willie Cauley-Stein, pumirma nitong offseason sa Golden State matapos ang apat na taon sa Sacramento. Isa siya sa mga aasahang reserve ni coach Steve Kerr.

“He is really mobile. He gives us the lob threat that really only JaVale McGee has given us in the five years I’ve been here in that five spot,” pahayag ni Kerr sa podcast ni Warriors Insider Monte Poole.

Mga lob passes na kailangang laging handang sambutin ni Cauley-Stein mula sa fast break at drives ng backcourt duo nina Stephen Curry at D’Angelo Russell.

Noong nakaraang season, sixth sa NBA si Cauley-Stein sa ibinaon na 182 dunks sa likod ng 201 ni McGee sa ­Lakers.

Susubukan ng Warriors ang kombinasyon nina Cauley-Stein at Kevon Looney na magkaiba ang estilo ng laro bilang centers. Malamang si Looney ang starter ni Kerr.

“Willie reminds me of JaVale in terms of his speed and capabilities. He gives us a nice counter to (Kevon Looney),” dagdag ni Kerr. (VE)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *