Wall, Rockets tinumba Kings: Harden garahe sa pilay

LATE scratch si James Harden (right ankle sprain), binalikat ni John Wall ang Houston para ipanalo sa Sacramento 102-94 sa 75th NBA 2020-21 regular season game nitong Sabado sa Toyota Center, Houston, Texas.

The post Wall, Rockets tinumba Kings: Harden garahe sa pilay first appeared on Abante.

wall rockets tinumba kings harden garahe sa pilay - Wall, Rockets tinumba Kings: Harden garahe sa pilay
abante rocket - Wall, Rockets tinumba Kings: Harden garahe sa pilay

LATE scratch si James Harden (right ankle sprain), binalikat ni John Wall ang Houston para ipanalo sa Sacramento 102-94 sa 75th NBA 2020-21 regular season game nitong Sabado sa Toyota Center, Houston, Texas.

Nakuha ng star guard ang injury bago natapos ang 122-119 win ng Rockets sa Kings noong New Year’s Eve pero hindi nakalista sa official injury report.

Sumalang pa sa pregame shooting si Harden pero 30 minuto bago ang laro ay kinumpirmang out siya.

“He was just going to see how it felt, and obviously it didn’t feel good enough for him to play,” paliwanag ni coach Stephen Silas.

Nag-slide sa starting spot ng three-time NBA scoring champion si Eric Gordon na rumesponde ng 21 points at 4 assists.

Kumayod si Wall ng game-highs 28 points, 6 assists at 3 steals. Nasa foul trouble na si Christian Wood sa second half pero tumapos pa rin ng double-double na 20 points, 15 rebounds, may 11 markers off the bench si Sterling Brown.

Mula manipis na 83-81 lead pagkatapos ng three, kinubra ng Houston ang first 9 points ng fourth quarter tampok ang back-to-back 3s nina David Nwaba at Gordon.

Binitbit ng 23 points ni De’Aaron Fox ang Kings, may 17 points mula limang 3-pointers si Buddy Hield. Umiskor ng double-digits ang tatlo pang starters pero overall ay 35 of 90 lang mula sa floor ang Sacramento. (Vladi Eduarte)

The post Wall, Rockets tinumba Kings: Harden garahe sa pilay first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *