Walker pipirma sa Celtics

NAGPEPREPARA na ang Boston ­Celtics sa pamalit sa All-Star guard na si Kyrie Irving.

The post Walker pipirma sa Celtics appeared first on Abante News Online.

walker pipirma sa celtics - Walker pipirma sa Celtics
kemba - Walker pipirma sa Celtics

Handa na sa paglipat ni Irving:

NAGPEPREPARA na ang Boston ­Celtics sa pamalit sa All-Star guard na si Kyrie Irving.

Sa susunod na season, posibleng ibandera na ni Kemba Walker ang green and white jersey ng Celtics na ayon sa report ng Charlotte Observer ay ang koponang nais na sunod na paglaruan ng three-time All-Star.

Walong season ang nilaro ni Kemba sa Charlotte Hornets, naging top scorer ng franchise, at kahit nauna nang sinabi ng guard na nais niyang manatili sa koponan ay ‘di umano nagkasundo sa presyo ang dalawang kampo.

Ayon sa mga ulat, nasa mababa sa $170M lang ang kayang i-offer ng Charlotte kay Kemba, ito ay kahit pa puwede siyang bigyan ng max contract na $221M, five year deal ng koponan.

Sa paglipat ni Kemba sa Boston, inaasahang pipirma ng four year, $141M contract, malaki rin ang posibilidad na matuloy ang pag-alis ni Irving sa TD Garden.

Si Kemba ay nag-average ng career-best 25.6 points, 5.9 assists at 4.4 rebounds nitong nagdaang 73rd o 2018-19 season. Pero bigong makapasok sa playoffs ang Charlotte na tumapos ng ninth spot sa Eastern Conference. (RMP)

The post Walker pipirma sa Celtics appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *