Walker, Dodgers abante sa Rays

SAMPUNG batter ang niretiro ni Walker Buehler sa anim na dominanteng inning at pinigil ng Los Angeles Dodgers ang Tampa Bay Rays 6-2 tungo sa 2-1 lead sa World Series.

The post Walker, Dodgers abante sa Rays first appeared on Abante.

walker dodgers abante sa rays - Walker, Dodgers abante sa Rays
Walker Buehler - Walker, Dodgers abante sa Rays

SAMPUNG batter ang niretiro ni Walker Buehler sa anim na dominanteng inning at pinigil ng Los Angeles Dodgers ang Tampa Bay Rays 6-2 tungo sa 2-1 lead sa World Series.

Matikas na sinalo ng bullpen ng Los Angeles ang inumpisahan ni Buehler.

Nagsabwatan sa two perfect inning sina Brusdar Graterol at Blake Treinen para ipreserba ang panalo, pitong pitches lang ang pinakawalan ni Graterol para bokyain ang mga hinarap hanggang bottom eighth.

Kumonekta ng homer at naka-double si Justin Turner kay Rays starter Charlie Morton at maagang umalagwa ang Dodgers 5-0.

Nagdagdag ng isa pang homer si LA catcher Austin Barnes bago pumitik ng bunt na nagresulta sa run.

Isang run sa tatlong hits lang ang binigay ni right-hander Buehler.

Si Julio Urias ang unang isusuga ng Dodgers sa mound sa Game 4 ngayon sa neutral ground Globe Life Field sa Arlington, Texas.

Plano ng Rays na pumiga ng ilang relievers kabilang si Ryan Yarbrough. (VE)

The post Walker, Dodgers abante sa Rays first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *