Walang Fajardo, SMB mas gutom

Clark Smart Giga City – Inumpisahan ng TNT ang PBA bubble sa Clark sa dalawang panalo, masusubok sa pangatlo laban sa five-time defending champion San Miguel Beer ngayon.

The post Walang Fajardo, SMB mas gutom first appeared on Abante.

walang fajardo smb mas gutom - Walang Fajardo, SMB mas gutom
abante sanmiguel 1 - Walang Fajardo, SMB mas gutom

Mga laro ngayon: (AUF Gym/Clark)
4:00pm – – Terrafirma vs Rain or Shine
6:45pm – – San Miguel vs TNT

Clark Smart Giga City – Inumpisahan ng TNT ang PBA bubble sa Clark sa dalawang panalo, masusubok sa pangatlo laban sa five-time defending champion San Miguel Beer ngayon.

Bakbakan ang magkaribal sa main game mamaya sa Smart 5G-powered AUF gym sa Angeles.

Kumubra ng panalo ang Beermen sa opening night ng Season 45 noong March 8, makalipas ang tatlong araw ay kinansela ang mga laro dahil sa pandemic.

Natisod ang SMB sa Philippine Cup restart 87-83 noong Martes.

Para kay Tropang Giga coach Bong Ravena, team-to-beat pa rin ang champion team San Miguel kahit walang June Mar Fajardo (shin).

“Gutom lagi ‘yan sa panalo. Alam naman natin, sanay na sanay manalo ‘yan. Kahit wala si June Mar, lalaban,” aniya sa media availability noong Miyerkoles.

Iba ang pride ng veteran squad ni coach Leo Austria kina Arwind Santos, Alex Cabagnot, Chris Ross, Marcio Lassiter at Terrence Romeo.

Bukod sa panalo, taya rin ang bragging rights sa tuwing magsasagupa ang magkaribal.

Hindi basta-basta titiklop sina Jayson Castro, RR Pogoy, Troy Rosario, Ray-Ray Parks at Poy Erram.

“Their mentality is they won’t let us win. Matalo na sa iba, huwag lang sa amin. We should be ready,” deklarasyon ni Ravena. (VE)

The post Walang Fajardo, SMB mas gutom first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *