Walang Butler keri ng Miami

HINDI naging problema para sa Miami Heat ang hindi paglalaro ni Jimmy Butler kontra sa Boston Celtics dahil bumida naman sina big man Bam Adebayo at shooting guard Duncan Robinson.

walang butler keri ng miami - Walang Butler keri ng Miami
abante jimmy - Walang Butler keri ng Miami

HINDI naging problema para sa Miami Heat ang hindi paglalaro ni Jimmy Butler kontra sa Boston Celtics dahil bumida naman sina big man Bam Adebayo at shooting guard Duncan Robinson.

Nitong Miyerkoles (Manila time), pinangunahan ng dalawang Heat star ang kanilang koponan, 112-106, laban sa Celtics.

Nagtala si Adebayo ng double-double performance na 21 points at 12 rebounds habang may 21 puntos at tatlong rebounds naman si Robinson upang pasanin ang Heat.

Samantala, hindi naman sapat ang 23 points ni Jayson Tatum at 18 puntos at 10 rebounds ni Jaylen Brown upang masungkit ng Celtics ang panalo. (JAT)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *