Walang Arocha, Arellano wagi pa rin

KAHIT bawas ang pa­ngil ng three-time reigning champion Arellano University Lady Chiefs, dinis­patsa pa rin ang Emilio Aguinaldo College Lady Generals, 25-15, 25-14, 25-20, upang patibayin ang kapit sa second spot ng NCAA Season 95 women’s indoor volleyball tournament eliminations Huwebes ng hapon sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

walang arocha arellano wagi pa rin - Walang Arocha, Arellano wagi pa rin
arella - Walang Arocha, Arellano wagi pa rin

KAHIT bawas ang pa­ngil ng three-time reigning champion Arellano University Lady Chiefs, dinis­patsa pa rin ang Emilio Aguinaldo College Lady Generals, 25-15, 25-14, 25-20, upang patibayin ang kapit sa second spot ng NCAA Season 95 women’s indoor volleyball tournament eliminations Huwebes ng hapon sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Sinandalan ng Lady Chiefs sina Carla Donato at Necole Ebuen upang ilista ang 7-1 karta at makasiguro ng playoff para sa semifinals twice-to-beat incentive. Sinalya ng AU ang EAC sa 1-8.

Mabibiyaan ng insentibo ang top two teams pagkatapos ng 10-team single round robin, kasaluku­yang nasa tuktok ang College of Saint Benilde Lady Blazers na may malinis na pitong panalo.

“Kahit sino makatapat naman ay gagawin namin ang best namin para makalaro sa finals,” saad ni Arellano U coach Obet Javier. (Elech Dawa)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *