Waiters mawawalan ng $834K sa suspensiyon

Waiters mawawalan ng $834K sa suspensiyon

HINDI pa nga nakakapaglaro sa season si Dion Waiters, may bubunuin na siyang suspension.

waiters mawawalan ng 834k sa suspensiyon - Waiters mawawalan ng $834K sa suspensiyon
waiters 1 - Waiters mawawalan ng $834K sa suspensiyon

HINDI pa nga nakakapaglaro sa season si Dion Waiters, may bubunuin na siyang suspension.

Binagsakan ng Miami Heat ang guard ng 10-game suspension dahil sa ‘conduct detrimental to the team’.

Pangalawa na ito ni Waiters, suspendido rin noong season-opener.

Linggo ibinaba ang suspension, tatlong araw matapos mapaulat na nagkaroon ng medical emergency si Waiters sa charter flight ng Heat mula Phoenix patungong Los Angeles Huwebes nang gabi.

Ayon sa source ng The Associated Press, nakakain daw si Waiters ng cannabis-infused edible kaya sumama ang pakiramdam.

Kung kukuwentahin, aabot ng higit $834,000 ang mawawala kay Waiters dahil sa suspension na nagsimula sa talo kontra Lakers noong Biyernes. (VE)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *