‘Vintage jersey’ pauso ni Jimmy

MAY kakaibang pinauso si Jimmy Butler ng Miami sa Orlando bubble.

The post ‘Vintage jersey’ pauso ni Jimmy first appeared on Abante.

vintage jersey pauso ni jimmy - ‘Vintage jersey’ pauso ni Jimmy
abante butler - ‘Vintage jersey’ pauso ni Jimmy

MAY kakaibang pinauso si Jimmy Butler ng Miami sa Orlando bubble.

Bukod sa pagtatayo ng ‘coffee shop’ sa kanyang hotel room, nakakahiligan na rin ng 31-year-old guard/forward ang pagsusuot ng jersey – hindi ng sarili niya kundi jersey ng iba.

Mga vintage jerseys pa ang ginagamit niya.

Biktima na ni Butler sina rookie Tyler Herro at coach Erik Spoelstra.

Dumating si Butler sa practice ng Heat na suot ang No. 14 ni Herro noong naglalaro sa Whitnall High School sa Wisconsin.

Pagkatapos umabante ang Heat sa Finals, si coach Spo naman ang binigyan niya ng tribute.

Sa kanilang hotel, lumabas si Butler suot ang No. 30 ni Spoelstra noon sa University of Portland.

Tawang-tawa, parang hindi makapaniwala, ang Fil-Am coach bago niyakap ang player.

Si coach Spo na taga-Laguna ang ina at nagsimula bilang video coordinator ng Heat at ngayon ay nasa panglimang Finals appearance na bilang head coach ng Miami.

Marami pa raw nakatagong vintage jerseys si Butler, dudukot lang siya kapag may kailangan. (VE)

The post ‘Vintage jersey’ pauso ni Jimmy first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *