Victorious Colt nagwagi

GAYA ng inaasahan, nagwagi si dating Triple Crown Winner Victorious Colt sa 2020 PHILRACOM 4-Year-Old & Above Stakes Race nitong Linggo ng hapon sa Metro Turf Club sa Malvar-Tanauan City, Batangas.

The post Victorious Colt nagwagi first appeared on Abante.

victorious colt nagwagi - Victorious Colt nagwagi
horse - Victorious Colt nagwagi

GAYA ng inaasahan, nagwagi si dating Triple Crown Winner Victorious Colt sa 2020 PHILRACOM 4-Year-Old & Above Stakes Race nitong Linggo ng hapon sa Metro Turf Club sa Malvar-Tanauan City, Batangas.

Nasa likuran siya paglabas ng aparato upang manood sa mga nagbabakbakan sa unahan na sina 2019 1st Leg TC titlist Boss Emong, at mga nambubuliglig Summer Romance at Pinagtipunan.

Nakatrangko hanggang home turn si Boss Emong pero nakakapit ang mga deremateng sina Victorious Colt at Presidential Gold Cup runner-up Pangalusian Island. Nagsabay ang tatlo sa rektahan, pero sa huling 100 metro’y si Victorious Colt ang nakaungos ng kalahating kabayo.

Kinopo ni Victorious Colt ang P300,000, si Pangalusian island ay naka-P112,500, may P62,500 si Boss Emong at P50,000 si Messi, ayon sa pagtatapos nilang 1-2-3-4 sa 1,800 meter race na inisponsoran ng Philippine Racing Commission. (Elech Dawa)

The post Victorious Colt nagwagi first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *