Vargas: Fake news ang ‘di tuloy na SEAG hosting

BINIGYAN ng Philippine­ Olympic Committee (POC) ng P100,000 kada isa ang 56 national sports association (NSA) na kabilang sa mga paglalabanang sports sa 30th Southeast Asian Games simula sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

The post Vargas: Fake news ang ‘di tuloy na SEAG hosting appeared first on Abante News Online.

vargas fake news ang di tuloy na seag hosting - Vargas: Fake news ang ‘di tuloy na SEAG hosting
Abante 2019 Ricky Vargas - Vargas: Fake news ang ‘di tuloy na SEAG hosting

BINIGYAN ng Philippine­ Olympic Committee (POC) ng P100,000 kada isa ang 56 national sports association (NSA) na kabilang sa mga paglalabanang sports sa 30th Southeast Asian Games simula sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Ito ay matapos na sigu­ruhin ni POC president Ricky Vargas ang pagsasagawa sa bansa ng kada dalawang taong torneo sa pakikipagtulungan ng Philippine Sports Commission (PSC) at mamamahala na Philippine SEA Games Organizing Committee (PHISGOC).

“As far as the Philippine Olympic Committee is concerned, everything is running smoothly in the country’s preparations for hosting the 30th Southeast Asian Games,” sabi ni Vargas.

“I don’t know what they are talking about. These are all fake news,” sabi nito patungkol sa naiuulat na hindi matutuloy ang pagho-host ng bansa sa SEA Games at possible itong ilipat na lamang sa Thailand o Indonesia.

Bilang pagbibigay suporta sa mga atleta kaya binigyan ng lokal na Olympic body ng paunang P100,000 na subsidy kada isa sa mga 56 NSA na paglalabanan sa multi-sports na torneo.

Ang pondo ay magmumula sa P76 milyon na tulong pinansiyal na nakuha ng POC sa Philippine Basketball Association, MVP Sports Foundation, San Miguel at iba pang pribadong sponsor. (Lito Oredo)

The post Vargas: Fake news ang ‘di tuloy na SEAG hosting appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *