Valley Cat ikakasa sa 3-YO Group Race

Valley Cat ikakasa sa 3-YO Group Race

MAGKAKASUBUKAN ang 10 tigasing kabayo sa magaganap na 3-year-Old Group Race (7) ngayong gabi sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

The post Valley Cat ikakasa sa 3-YO Group Race appeared first on Abante News Online.

valley cat ikakasa sa 3 yo group race - Valley Cat ikakasa sa 3-YO Group Race
horse 2 - Valley Cat ikakasa sa 3-YO Group Race

MAGKAKASUBUKAN ang 10 tigasing kabayo sa magaganap na 3-year-Old Group Race (7) ngayong gabi sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Pinapatok ng mga tipster sa programa ng karera ang kalahok na si Valley Cat na rerendahan ni class A rider RD Raquel sa event na may distansyang 1,300 metro.

Pasisibatin ang nasabing karera sa alas-7:50 ng gabi, makakaharap ni Valley Cat sina Iron Hook, Bonus Bonanza, Apo Ni Maria, Batang Heroes, Right Answer, magka-kuwadrang Polloc Island at Samal Island at magkakamping Inter State at Barumbado.

“Nagagalingan ako diyan kay Valley Cat, tapos suwerte ang stable nila, noong Linggo lang nanalo si Lemon Drop Title sa stakes race,” pahayag ni Vienvenido dela Cruz na dating nagpupunta sa ensayo ng mga kabayo noong nasa Maynila pa ang karerahan.

Sina Valley Cat at Lemon Drop Title ay pag-aari ni Bobby Inigo at parehong hinahanda ng sikat na trainer na si Donnie Sordan.

May 10 rin ang kalahok sa Group Race (11) na patatakbuhin sa unang race.

Ang magtatagisan ng bilis ay sina Kukurukuku Paloma, Papaplsdontflirt, Jade’s Treasure, Reigning Jewel, Copernicus, Lourdes Drive, Dixie Storm, Rocking Hill, Show Off at Artikulo Uno.

The post Valley Cat ikakasa sa 3-YO Group Race appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *