Valenzuela kontra QC: Black, Hubalde tampok

TATANGKAIN ng ex-pro na si Paolo Hubalde at ng Valenzuela SPV TOP Marketplace na maituloy ang momentum at makakabit ng panalo kontra Quezon City Capitals sa Monday action, alas-8:30 ng gabi sa 3rd Maharlika Pilipinas Basketball League Lakan Cup 2019 eliminations sa Blue Eagle Gym, Quezon City.

The post Valenzuela kontra QC: Black, Hubalde tampok appeared first on Abante News Online.

valenzuela kontra qc black hubalde tampok - Valenzuela kontra QC: Black, Hubalde tampok
Abante MPBL - Valenzuela kontra QC: Black, Hubalde tampok

TATANGKAIN ng ex-pro na si Paolo Hubalde at ng Valenzuela SPV TOP Marketplace na maituloy ang momentum at makakabit ng panalo kontra Quezon City Capitals sa Monday action, alas-8:30 ng gabi sa 3rd Maharlika Pilipinas Basketball League Lakan Cup 2019 eliminations sa Blue Eagle Gym, Quezon City.

Noong Huwebes lang pinadapa ng Valenzuela ang powerhouse team na Bataan Risers sa overtime, 92-86, sa pagbibida ni Hubalde, humarabas ng 21 points, walong rebounds at limang assists, at guard Onin Catacutan na umayuda ng 12 puntos.

Sasandig naman ang QC Capitals sa anak ni PBA legend import/coach Norman Black na si Aaron, na humagupit ng triple-double sa huling sabak kontra Biñan City Laguna Heroes.

Kumamada siya ng 17 points, 11 rebounds at 10 assists sa 110-85 victory ng kanyang koponan.

Tabla sa 1-1 ang parehong tropa, nasa gitna ng standings at nais kumawala sa six-team tie.

Sisikwatin naman ng Navotas Clutch ang kanilang unang panalo laban sa Bacolod Master Sardines sa opening salvo, alas-4 ng hapon, at susundan sa salpukang Iloilo United Royals­ kontra Bataan, alas-6:30 ng gabi. (Ray Mark Patriarca)

The post Valenzuela kontra QC: Black, Hubalde tampok appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *