US5 nakipagsabayan kahit walang mga star

PINAGDIINAN ng Team USA na kahit walang superstar ay kayang sumabay sa mga world power.

us5 nakipagsabayan kahit walang mga star - US5 nakipagsabayan kahit walang mga star
abante teamUSA - US5 nakipagsabayan kahit walang mga star

PINAGDIINAN ng Team USA na kahit walang superstar ay kayang sumabay sa mga world power.

Umiskor si Donovan Mitchell ng 13, may 12 si Khris Middleton at kinubabawan ng US ang Spain 90-81 sa warmup exhibition bago ang mag-18th FIBA World Cup 2019 sa Aug. 31-Sept. 15 sa China.

Mula 3-point range ay maangas na 58 percent clip ang mga Amerikano, dinomina pa ang rebounds 42-20.

“It was like a baptism for us,” ani coach Gregg Popovich. “New group, players, coaches, all that sort of things. It was a real experience.”

‘Di lang nakaligtas ang Team USA sa turnovers, naglista ng 23 na naging 27 turnover points ng Spaniards.

Pinahaba ng US sa 77 games ang winning streak sa international competition, wala silang talo sapul sa bronze medal game ng 2006 Saitama World Championships (World Cup na ngayon). Nagtuloy ang winning run sa 2007 FIBA Americas, 2008, 2012 at 2016 Olympics, hanggang World Cup titles noong 2010 at 2015.

Kahit walang mga star, desidido ang team ni Popovich na ituloy ang ratsada sa China.

Sa 77 wins, siyam lang ang single-digit margins – apat kontra Spain.

“It was good to see the level and the standard that they’re going to set physically,” ani Spain veteran at Toronto center Marc Gasol na namuno ng game-high 19 points.

Buong laro sa trangko ang Team USA. Nang dumikit ang Spaniards sa walo mula sa 3 ni Sergio Llull 4:10 pa sa fourth quarter ay nag­lunsad ng 8-0 counter sa sumunod na minuto ang Americans.

Inumpisahan ng 3 din ni Joe Harris, sinundan ng runner sa lane ni Derrick White at tres pa ni Jayson Tatum tungo sa 88-72 lead.

“Spain’s a great tem, an experienced team,” wika ni Middleton. “Tonight was a great test.”

Tumapos si Kemba Walker ng 11 points, 8 assists at 6 rebounds sa US, may 11 markers din si Tatum.

Umayuda ng 16 si Ricky Rubio ng Phoenix para sa Spain, 11 kay Llull.

(VE)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *