Upakang Tyson, Jones iniklian

PAREHONG nalungkot sina American boxer Mike Tyson at Roy Jones Jr. sa inilabas na rules ng kanilang exhibition match na magaganap ngayong Nobyembre 28.

The post Upakang Tyson, Jones iniklian first appeared on Abante.

upakang tyson jones iniklian - Upakang Tyson, Jones iniklian
Boxing 3 - Upakang Tyson, Jones iniklian

PAREHONG nalungkot sina American boxer Mike Tyson at Roy Jones Jr. sa inilabas na rules ng kanilang exhibition match na magaganap ngayong Nobyembre 28.

Ayon kasi sa World Boxing Council (WBC), dalawang minuto lang ang itatagal bawat round ng kanilang upakan.

Ang dahilan ng pagkatay sa fight-time ng dalawang boxing legend ay bilang pag-iingat na rin sa kanilang katandaan.

Sa ngayon kasi ay 54-anyos na si former undisputed heavyweight champion Tyson habang 51-anyos naman si ‘RJJ’.

“We’re two of the best to do it. Two minutes doesn’t do anything for him or me,” pagyayabang ni Jones.

“I’m sure they have their reasons for doing it. But you know, women fight for two minutes,” saad naman ni ‘Iron Mike’. (Aivan Episcope)

The post Upakang Tyson, Jones iniklian first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *