Union Run sasalang sa Condition Race

BUMANAT sa barrier trial si Union Run noong Setyembre 21, dumating na pang-lima sa walong kabayong tumakbo.

union run sasalang sa condition race - Union Run sasalang sa Condition Race
horse racing 6 - Union Run sasalang sa Condition Race

BUMANAT sa barrier trial si Union Run noong Setyembre 21, dumating na pang-lima sa walong kabayong tumakbo.

Makikilatis si Union Run ngayong gabi sa Metro Turf sa Malvar-Tanauan City, Batangas.

Lalabanan ni Union Run ang walong kabayong kalahok sa Condition Race Category 18 na pasisibatin sa unang karera.

May distansyang 1,400 metro, inaasahang mapapalaban si Union Run kina Miss Thrifty at Jersy Crown subalit ayon sa mga beteranong karerista, posibleng may ibang manalo dahil balanse ang laban.

“’Yung Batang Novaliches malaki rin ang panalo niya kaya para maka 1-pt. agad sa Winner Take All dapat apat na piliin mo,” hayag ni Larry Cusa, veteran karerista.

Ang ibang kalahok ay sina Amihan, Isla De Romero, Irena Smile, Resilient Creed at Hold On. (Elech Dawa)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *