Union Bell hanap ng mga karerista

LIMANG batang kabayo ang inaasahang bibira sa 2020 Philracom 1st Leg Trile Crown Stakes Race na gaganapin sa Linggo sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

The post Union Bell hanap ng mga karerista first appeared on Abante.

union bell hanap ng mga karerista - Union Bell hanap ng mga karerista
Karera 1 - Union Bell hanap ng mga karerista

LIMANG batang kabayo ang inaasahang bibira sa 2020 Philracom 1st Leg Trile Crown Stakes Race na gaganapin sa Linggo sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Nasa listahan sina Carterruo, Four Strong Wind, Runway, Tifosi at Heneral Kalentong.

Hinahanap ng mga karerista ang undefeated na SI Union Bell sa lineup dahil nakaraang taon pa lang ay maugong na wawalisin ng kabayo ang tatlong legs ng Triple crown.

Ayon sa mga kuwento ng mga kareristang may koneksIyon sa karerahan, nagkaroon ng injury ang reigning Philippine Sportswriters Association (PSA) Horse-of-the-Year kaya hndi ito makakasali sa nasabing presitihiyosong karera para sa mga batang kabayo.

“Sayang naman kung kelan stakes race at posibleng makagawa ng history ay doon pa nagkaroon ng aberya,” panghihinayang na hayag ni Ernesto Calimlim, matagal nang racing aficionado.

May distansyang 1,600 metro ang karera na inisponsoran ng Philippine Racing Commission. (Elech Dawa)

The post Union Bell hanap ng mga karerista first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *