Unang ‘PUTOK’ kay Castro, TNT

Nagtala si Jayson Castro ng kabuuang 20 puntos, 6 rebounds, 6 assists at 2 steals upang itulak ang TNT Tropang Giga sa 92-91 panalo sa Phoenix Super LPG sa Game 1 ng best-of-five semifinals ng 2020 PBA Philippine Cup bubble sa AUF Sports Arena and Cultural Center sa Angeles City, Pampanga.

The post Unang ‘PUTOK’ kay Castro, TNT first appeared on Abante.

unang putok kay castro tnt - Unang ‘PUTOK’ kay Castro, TNT
abante castro - Unang ‘PUTOK’ kay Castro, TNT

Mga laro Biyernes: (AUF Sports Arena)
3:45pm – Meralco vs Ginebra
6:30pm – TNT vs Phoenix

Nagtala si Jayson Castro ng kabuuang 20 puntos, 6 rebounds, 6 assists at 2 steals upang itulak ang TNT Tropang Giga sa 92-91 panalo sa Phoenix Super LPG sa Game 1 ng best-of-five semifinals ng 2020 PBA Philippine Cup bubble sa AUF Sports Arena and Cultural Center sa Angeles City, Pampanga.

Isinalpak ni Castro ang limang sunod na puntos sa huling 10 puntos ng Tropang Giga sa huling minuto ng laro upang agawin ang importanteng panalo sa kailangang tatlong panalo sarili nitong limang larong serye kontra Super LPG.

Nag-ambag din si Bobby Ray Parks Jr ng 17 puntos, 7 rebounds, 3 assists, 4 steals at 1 block habang si RR Pogoy ay may 16 puntos, 9 rebounds, 1 assist at 1 steal.

Nagtala din si JP Erram ng 15 puntos, 14 rebounds, 3 assists, 1 steal at 2 blocks habang si Ryan Reyes ay may 11 puntos.

Ibinuhos ng Tropang Giga ang 11-2 bomba sa ikatlong yugto upang maitala ang 10 puntos na abante sa 8:11 minuto ng ikatlong yugto tampok ang lay-up ni Troy Rosario para sa 49-39 iskor.

Isang tres ni Kib Montalbo ang nagbigay pa sa pinakamalaking abante ng TNT, 54-42.

Anim na minuto pa lamang sa unang yugto ay agad nagtamo ng ankle injury si Matthew Wright at hindi na naibalik sa kabuuan ng unang hati na natapos sa isang puntos na abante ng Fuel Masters sa 37-36.

Bago matapos ang first half ay nagtamo din ng putok sa kilay si Parks ng Tropang Giga. (Lito Oredo)

The post Unang ‘PUTOK’ kay Castro, TNT first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *