Umaatikabong bakbakan sa Presidential Gold Cup

PUKPUKAN ang 13 sa pinakamagagaling na kabayo sa bansa sa ika-48 yugto ng Philippine Racing Commission Presidential Gold Cup sa San Lazaro Leisure Park (SLLP) sa Carmona, Cavite sa Linggo.

The post Umaatikabong bakbakan sa Presidential Gold Cup first appeared on Abante.

umaatikabong bakbakan sa presidential gold cup - Umaatikabong bakbakan sa Presidential Gold Cup
abante horse 1 - Umaatikabong bakbakan sa Presidential Gold Cup

PUKPUKAN ang 13 sa pinakamagagaling na kabayo sa bansa sa ika-48 yugto ng Philippine Racing Commission Presidential Gold Cup sa San Lazaro Leisure Park (SLLP) sa Carmona, Cavite sa Linggo.

Pangungunahan ng 2020 Triple Crown champ Heneral Kalentong ang mga kasali sa karera, kasama ang Real Gold (jockey JPA Guce, owner C&H Enterprise), Boss Emong (jockey MM Gonzales, owner Edward Vincent Diokno), Shanghai Grey (jockey KB Abobo, owner Melanie Habla), Princess Eowyn (jockey FM Racquel, owner Laiza Eje) at Victorious Colt (jockey OP Cortez, owner Maria Felizita Mangaliman).

Magtatangka naman ang kampeon na Super Sonic (jockey JA Guce, owner Leonardo M. Javier Jr.) na pantayan ang record ng Hagdang Bato, na nagwagi ng dalawang Presidential Gold Cup (2012 at 2014) .

Kasama din sa magtatangkang manalo sa 2,000-meter na karera ang Electric Truth (AP Asuncion, Andok’s Litson Corp.), Super Swerte (JB Guce, RMR Equine Inc.), Pangalusian Island (MA Alvarez, Wilbert Tan), Toy For The BigBoy (PM Caballejo and Alberto Santos) at Wonderland (PR Dilema) at Patong Patong (JD Flores), na parehong pag-aari ng Ken Logistics Forwarding.

Tumataginting na P3 milyon ang inihandang premyo ng Philracom, kung saan P1.8M ang mapupunta sa mananalo.

Ang pangalawa hanggang ikaanim na pupuwesto ay tatanggap ng P675,000, P375,000, P150,000, P90,000 at P60,000, ayon sa pagkakasunod, kasama ang P100,000 na insentibo sa winning breeder.

Dadalo para pangasiwaan ang karera sina bagong talagang Philracom Chairman Reli de Leon at ang kanyang mga commissioner.

Ang Presidential Gold Cup ay sinimulun noong Oktubre 7, 1973 ng namayapang PCSO Chairman at General Manager Nereo C. Andolong.

Napanalunan ni Sun God, na pag aari ni Don Pedro Cojuangco, ang unang yugto ng Presidential Gold Cup sa San Lazaro Hippodrome, samantalang ang Fair and Square naman ang unang kabayo na nanalo ng dalawang sunod noong Disyembre 12, 1982 sa San Lazaro Hippodrome.

The post Umaatikabong bakbakan sa Presidential Gold Cup first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *