Ukay-ukay ni Dani para sa mga aso

MAS pinalakas pa ni volleybelle Dani Ravena ang kanyang ukay-ukay.

The post Ukay-ukay ni Dani para sa mga aso first appeared on Abante.

ukay ukay ni dani para sa mga aso - Ukay-ukay ni Dani para sa mga aso
Dani Ravena 1 - Ukay-ukay ni Dani para sa mga aso

MAS pinalakas pa ni volleybelle Dani Ravena ang kanyang ukay-ukay.

Hindi para kumita kundi para makalikom ng perang pang-donate sa San Mateo Dog Pound na kabilang sa lumubog sa baha dulot ng bagyong Ulysses.

“I will be selling a new batch of clothes tonight and ALL PROCEEDS will go directly to the San Mateo Dog Pound,” tweet ng Ateneo Lady Eagle libero.

Hindi biro ayon sa bunsong Ravena ang kanilang sinapit kaya gusto rin nitong iabot ang kanyang kamay sa mga apektadong hayop.

“They’re really affected by the typhoon and they lost everything. I’m currently raising funds and donations. It may be in cash or food or other necessities. I’ll be selling a new batch of clothes, all the proceeds from that will go straight to San Mateo Dog Pound,” dagdag pa ni Dani sa kanyang Instagram story.

Hindi na bago sa dalaga ang pagbebenta ng lumang gamit.

Sa katunayan ay ginawa na rin niya itong sideline habang hindi pa sumasabak sa volleyball court dulot ng pandemya. (Aivan Episcope)

The post Ukay-ukay ni Dani para sa mga aso first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *