Tyson ‘nasarapan’ sa sapakan kay Jones

KUNG iniisip ng mga boxing fan na kuntento na sa si former undisputed heavyweight world champion Mike Tyson sa nagdaang exhibition match nila ni Roy Jones, Jr. nagkakamali kayo!

The post Tyson ‘nasarapan’ sa sapakan kay Jones first appeared on Abante.

tyson nasarapan sa sapakan kay jones - Tyson ‘nasarapan’ sa sapakan kay Jones
tyson 1 - Tyson ‘nasarapan’ sa sapakan kay Jones

KUNG iniisip ng mga boxing fan na kuntento na sa si former undisputed heavyweight world champion Mike Tyson sa nagdaang exhibition match nila ni Roy Jones, Jr. nagkakamali kayo!

Ngayong 2021, gusto uli makipagbuntalan ni ‘Iron Mike’ dahil aniya masarap ito sa pakiramdam.

“It was interesting,” kuwento ng 54-anyos na ngayong tinaguriang ‘Iron Mike’ sa eight-round exhibition fight nila ng dating four-division champion na si Roy noong nagdaang Nobyembre 28 (November 29 sa Pilipinas) na nauwi sa unofficial split draw.

Walang nabanggit si Tyson kung sino naman ang gusto nitong makasapakan, kung exhibition fight pa rin ba o opisyal nang bugbugan kontra mas batang boksingero, pero aniya, uulitin niya ito.

“I felt really good, I felt confident. I felt that I could do it again, ” sey pa ni Tyson sa exhibition bout na ginanap sa Staples Center sa Los Angeles, California.

“I’m used to doing it for three minutes,” sabi pa ni Tyson sa laban nila ni Jones na may dalawang minuto lang kada round.

“Sometimes, that two minutes felt like three minutes. I’m happy I got this under my belt to keep doing this and go further.”

May professional boxing record na 50-6 win-loss mark si Tyson kasama ang 44 knockouts (KOs) habang hawak ng 51-anyos na si Jones ang 66-9 panalo-talo baraha kabilang ang 47 pagpapatumba noong siya’y magretiro. (Ferdz Delos Santos)

The post Tyson ‘nasarapan’ sa sapakan kay Jones first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *