Tyson ‘mapapatay’ si Jones: Body Bag ihanda!

MADAMING netizen ang natatakot para sa buhay at kaligtasan ni Roy Jones, Jr. sa kanilang exhibition match ni Mike Tyson sa Nobyembre 28.

The post Tyson ‘mapapatay’ si Jones: Body Bag ihanda! first appeared on Abante.

tyson mapapatay si jones body bag ihanda - Tyson ‘mapapatay’ si Jones: Body Bag ihanda!
abante mike tyson 1 1 - Tyson ‘mapapatay’ si Jones: Body Bag ihanda!

MADAMING netizen ang natatakot para sa buhay at kaligtasan ni Roy Jones, Jr. sa kanilang exhibition match ni Mike Tyson sa Nobyembre 28.

Ang isang avid boxing fan, sinabing posibleng ikamatay ni Jones ang bakbakan kapag nasapol ng matinding suntok ng 54-anyos na ngayong former undisputed heavyweight champion na si Tyson.

“Tyson still almost annihilating his trainers In his 50’s lmao. This better be for charity and Tyson doesn’t let his full power fly, or we might be needing a body bag for my boy Roy,” ayon sa fan na nagngangalang Adrien sa panayam ng FightHype.com.

“This dude is definitely gonna break Roy’s ribs,” dagdag naman ng fan na si Jay.

“Damn I think Roy should think this over,” komento naman ng isang boxing fanatic na si David.

Ang basehan ng mga komentong ito ng mga boxing fan ay ang pinakabagong video footage ng training ni Tyson kung saan ay ilang beses na muntik nitong masapol sa mukha ang trainer niyang si Rafael Cordeiro, na tiyak knockout kung tinamaan ng bruskong boksingero.

“Rafael Cordeiro almost got his head taken off!!!” sambit naman ng fan na si Mikey.

Nakatakdang magsuntukan sa exhibition match sa Nobbyembre 28 sina Tyson at ang former four division world champion at 51-anyos na ngayong si Jones, na inamin kamakalawa na parang nagkamali siya ng desisyon na labanan ang ‘halimaw’ na si Mike. (Ferdz Delos Santos)

The post Tyson ‘mapapatay’ si Jones: Body Bag ihanda! first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *