Tunacao dating kampeon, basurero sa Japan ngayon

MULA sa pagiging premyado at matikas na boksingero, nauwi sa pagiging basurero sa Japan si dating WBC flyweight champion Malcolm Alindajao Tunacao.

tunacao dating kampeon basurero sa japan ngayon - Tunacao dating kampeon, basurero sa Japan ngayon
Malcolm Alindajao Tunacao. - Tunacao dating kampeon, basurero sa Japan ngayon

MULA sa pagiging premyado at matikas na boksingero, nauwi sa pagiging basurero sa Japan si dating WBC flyweight champion Malcolm Alindajao Tunacao.

Bagama’t tagahakot na ng basura ang kinahinatnan ay proud si Malcolm dahil marangal na trabaho aniya ito.

“Okay lang sir! Ang importante ‘yung trabaho ko hindi ako [nakakatapak] ng tao,” pahayag ng 42-anyos na ngayong dating pro-boxer sa 24 Oras news program ng GMA-7.

Kwento pa nito, hindi lang basta basurero ang turing sa kanila ng mga Hapones bagkus ay protektor kontra COVID-19.

“Yung mga tao kapag makita sa amin sa mga basurero, masaya sila tapos may respeto sila — yun ang importante,” dagdag pa nito.

Si Tunacao na dating palaboy at laking-palengke sa Cebu ay isa sa kinilala noong 2000 bilang bantamweight fighter na may record na 35 panalo, 3 talo at 3 ring draw. (Aivan Episcope)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *