Tumaya kay Space Jam ubos ang pera

HINDI maka-move on ang mga kareristang nakataya kay Space Jam sa Three-Year-Old & Above Maiden Race na nilarga noong Sabado sa Metro Turf sa Malvar-Tanauan City, Batangas.

tumaya kay space jam ubos ang pera - Tumaya kay Space Jam ubos ang pera
kabayo 1 2 - Tumaya kay Space Jam ubos ang pera

HINDI maka-move on ang mga kareristang nakataya kay Space Jam sa Three-Year-Old & Above Maiden Race na nilarga noong Sabado sa Metro Turf sa Malvar-Tanauan City, Batangas.

Ayon sa mga karerista na nakasaksi ng laban ay hindi man lang nakitaan ng magandang takbo si Space Jam pero sa bentahan ay segundo liyamado.

“Halos patok sa karera tipster sa programa ng karera pero ganoon lang ang itinakbo,” patungkol ni Pablito Ducanes kay Space Jam na nirendahan ni class A rider CO Henson.

Kumuha ng unahan sa largahan pero nasa backstretch pa lang ay parang nauupos na si Space Jam at walang kahirap-hirap siyang nilampasan ni Mount Arayat na siyang nanalo sa nasabing race.

“Kawawa naman mga tumaya kay Space Jam,” komento ni Castro Morales sa website ng karera.

Nasilo ng Mount Arayat ang added prize na P10,000 mula sa Phili­ppine Racing Commission, (PHILRACOM), dumating na segundo ang Jewel In The Sky habang tersero ang pang-apat ang Jinxky at Peace Of Mind ayon sa pagkakasunod. (Elech Dawa)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *