Tuffin, Tamaraws lalagare vs Bulldogs

SUSUWAGIN ni Ken Tuffin at ng Far Eastern University (FEU) Tamaraws ang National University (NU) Bulldogs sa kanilang bugbugan alas-10:30 ng umaga sa UAAP Season 82 men’s basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum.

tuffin tamaraws lalagare vs bulldogs - Tuffin, Tamaraws lalagare vs Bulldogs
ken tuffin - Tuffin, Tamaraws lalagare vs Bulldogs

Mga laro ngayon:
(Smart Araneta Coliseum)
10:30am — NU vs FEU
12:30pm — UST vs UE
4:00pm — Ateneo vs Adamson

SUSUWAGIN ni Ken Tuffin at ng Far Eastern University (FEU) Tamaraws ang National University (NU) Bulldogs sa kanilang bugbugan alas-10:30 ng umaga sa UAAP Season 82 men’s basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum.

Umeskapo ang Tamaraws (4-4) nitong Linggo kontra UP Fighting Maroons, 82-79, via overtime.

Nanguna para sa Morayta-based squad si Tuffin na nagtala ng 18 points, limang rebounds, isang steal, katulong si LJ Gonzales na umiskor ng 17 points, 12 rebounds, anim na assists at isang steal.

Nagparamdam rin si Pat Tchuente na may 14 points at 11 rebounds.

“We have now this team embodies the ‘Be Brave’ spirit ng FEU na lumalaban tayo hanggang sa dulo and (kahit) tinambakan tayo, lumalaban pa rin. That’s the only thing you could ask from the players,” pahayag ni FEU coach Olsen Racela.

Samantala, natambakan ang ng National U (1-7) nitong Linggo, 61-85, kontra DLSU Green Archers.

Kapos ang 11 points, dalawang rebounds at isang steal ni Dave Ildefonso at 10 puntos, dalawang rebounds at isang steal ng utol na si Shaun. (Janiel Abby Toralba)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *